Simbahan sa mga kandidato | BAWAL MAG-SPONSOR AT MAG-OFFER

MAHIGPIT nang ipinagbabawal ng diocese ng Balanga, Bataan na makapag-alay sa offertory processions sa mga misa ang mga pulitiko na kumakandidato sa May 13 midterm polls.
Sa direktiba ni Balanga Bishop Ruperto Santos, pinagbabawalan na rin ang pagpapaskil sa mga Simbahan sa kanilang nasasakupan ng mga campaign material.
Nakasaad din dito na bawal magpaskil ng anumang tarpaulins ng mga kandidato sa mga patio at maging sa mga bakod ng simbahan.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdaraos ng political rallies sa mga church premises. Pinapayagan naman ang mga lay parish officials na magtrabaho para sa mga kandidato.
Gayunman, kailangan muna nilang tumigil pansamantala sa mga tungkulin sa Simbahan.
Nitong nakaraang taon, naglabas din ng kaparehong direktiba si Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona kung saan pinagbabawalan ang mga kandidato na maging sponsor sa mass wedding at mga binyagan.
Bawal din ang pagso-solicit sa mga kandidato at kanilang partido ng donasyon para sa renobasyon, konstruksiyon ng mga simbahan at iba pang proyekto nito. Ang maaari lamang umanong gawin ng Simbahan ay isulong ang pagkakaroon ng isang mapayapang halalan.
Layon nito na mapanatiling independent ang Simbahan mula sa mga kandidato.





Comments