Piktyur kasama ang suspected Chinese supplier, kumalat... SEUNGRI, IDINIDIIN SA DROGA
- Lee Vin Nia
- Feb 16, 2019
- 1 min read

AYAW talagang tigilan ng intriga ang Big Bang member na si Seungri. Ngayon naman ay bina-bash siya dahil sa photo niyang kumalat online na kuha sa Burning Sun Club kasama ang isang babaeng pinaghihinalaang drug supplier/dealer.
Ang babae diumano ay isang Chinese na may nickname na “Aena” at mismong siya ang nag-post ng larawan nila ni Seungri sa kanyang social media account noong October, 2018 pa.
Nahahalungkat ito ngayon dahil nga sa kontrobersiya ng Burning Sun Club na naisulat na rin namin dito sa K-Buzz, kung saan ay dawit ang pangalan ni Seungri.
Bilang paglilinaw, nagpaliwanag naman si Seungri sa nasabing larawan niya kasama ang babae at aniya, hindi niya ito kilala.
“I was at the club and she asked me for a photo, so I agreed. I don’t remember when we took the photo or who she is,” pahayag ni Seungri.
“There are countless photos of me and fans on the internet, on social media, and in online communities. When I’m at the club, there are a lot of people that approach me and ask for a photo, and I usually accept,” dagdag pa ng singer.





Comments