Para makaiwas sa distraction... BOX NA EPEKTIB NA PANLABAN SA MGA MAGUGULO AT MAIINGAY, PATOK!


USUNG-USO ngayon ang mga open office kung saan iba’t ibang uri ng empleyado ang posible mong makahalubilo at dahil sa malaking working space at mas maraming indibidwal ang nandu’n, siguradong hindi mawawala ang distraction na ayaw ng kahit na sino. Pero, knows ba ninyo na keri na ninyong maiwasan ang ma-distract gamit ang kahon? Wow!
Marami sa atin, partikular sa mga beshy natin diyan na hirap mag-focus ang mas pinipiling lumabas sa opisina o mag-C.R. nang sa gayun ay pansamantalang makaiwas sa nakadi-distract na kapaligiran, gayundin para ma-refresh ang kanilang utak.
Ngunit, say no more sa distraction dahil mayroon ng nabibiling kahon kung saan nakatutulong ito upang hindi ma-distract ang indibidwal sa kanyang trabaho, partikular sa paligid na kanyang ginagalawan.
Ang naturang kahon ay tinawag na “Thought Box” kung saan ito ay literal na kahon na isinusuot sa ulo kahit anong oras mo ito kailanganin o gustuhin. Noong nakaraang buwan, ini-launched ito sa online shop na The Form Emporium na nagkakahalagang $650.
Ang Thought Box ay gawa sa cardboard, fabric at internal plastic helmet na puwedeng ma-adjust upang magkasya sa sinumang gagamit at may kasama itong earplugs at limang kulay ng fabric filters na maaaring palitan depende sa mood ng user, gayundin ang Thought Stool na gawa sa solid beech.
Para magamit ito, umupo lamang sa Thought Stool at isuot ang earplugs, gayundin, sunod na isuot ang Thought Box. Isuot lamang ito sa loob ng ilang minuto at muli ka nang makababalik sa iyong trabaho para hindi ka distracted at mas focused ka.
Ayon sa developer ng Thought Box, nilikha nila ang produktong ito para sa mga empleyado na naghahangad ng personal space nang sa gayun ay makapag-isip ang mga ito nang mabuti.
Kaya para sa mga lodi natin diyan na hirap mag-focus sa trabaho kapag maraming distractions sa kanilang paligid, siguradong magugustuhan ninyo ang produktong ito kapag nasubukan ninyo. Make sure lang na masusulit ninyo ito, ha?
Gets mo?





Comments