Pahinante dedbol sa trak
CAGAYAN—Isang pahinante ang namatay nang aksidenteng mabangga at masagasaan ng trak, kamakalawa sa sa bayan ng Peñablanca sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Felipe Cauilan, nakatira sa Bgy. Dodan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, bumaba umano si Cauilan sa kinalululanan niyang trak at hindi napuna ang paparating na isa pang trak na minamaneho ni Wilbert Rumbaoa kaya aksidenteng nabangga at nasagasaan ang biktima.
Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente si Cauilan, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Rumbaoa.





Comments