Nabulgar, ngayong hiwalay na ang aktor kay Winwyn… JOEY, SOBRANG TUTOL KAY MARK


ISA kami sa mga nagulat sa balitang break na sina Winwyn Marquez at Mark Herras, na ilang taon ding naging magkarelasyon. Hindi namin ini-expect na sa paghihiwalay mauuwi ang maganda nilang love story na kanilang ipinaglaban.
A week ago, may nakausap pa kami na malapit na malapit kay Winwyn at kinumusta namin ang relasyon ng dalawa. Okey naman daw at kahit tutol at ayaw ni Joey Marquez (Winwyn’s dad) kay Mark, eh, hindi nahahadlangan ang pagmamahalan ng dalawa.
Hindi naman kami naniniwala na para lang sa promo ng movie niyang Time & Again kaya sinabi ni Winwyn na break na sila ni Mark. Hindi gimikera ang anak ni Alma Moreno.
Mutual decision man nila ang paghihiwalay at wala mang third party involved, still, naaawa kami kay Mark. Minahal niya nang husto si Winwyn at sa nobya umikot ang kanyang mundo. Si Winwyn ang nagsilbi niyang inspirasyon!
Sana lang, huwag dumanas ng depresyon ang Kapuso actor at magsilbing hamon sa kanya ang paghihiwalay nila ni Winwyn.
Maaaring may mga gusto pang gawin para sa kanyang career ang beauty queen, lalo na ngayong pinagbibida na siya sa pelikula. After Vhong Navarro sa Unli Life, si Enzo Pineda naman ang kapareha niya sa Time & Again na mula sa direksiyon ni Joey Reyes at produced by Regal Films.





Comments