JACOBO’S MAGIC VS. ARIMUNDING SA WTA

MAY kahirapan ang pumili sa mga kalahok na hahataw sa pitong karera na magaganap sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayong hapon.
Maghaharap ngayon ang Condition Race, 3 Year Old and Above Maiden Race at 3 Year Old Group Race na tatakbuhin sa distansiyang 1,200 at 1,300 meters.
Unang magaganap ang Race 1 kasabay ng panimula ng Winner-Take-All (WTA) na paglalabanan ng 7 kalahok.
Pinapaboran ang Summer Style, habang ang Smart Tyler ang itinuturing na kalaban. Sa Race 2, kung saan magaganap ang Pick 6, na pinapaboran ang kabayong Barumbado, habang ang Dalagang Bukid at batang Heroes ang siyang makakalaban ng mahigpit.
Balikatan ang labanan sa Race 3, naumpisahan ng Pick 5 ang siyam na kalahok at pinapaboran ang Wessfacckol, Maker Mark at Entry No.1. Magsisimula ang Pick 4 sa Race 4 at napipili ang entry No.5 habang ang Right Answer at Inter State ang makakalaban ng grupo.
Magkakasubukan ang mga kalahok na Beautiful Star at Entry No.2 sa unahan habang ang Apo Island ay naghihintay ng magandang pagkakataon sa Race 5.
Nakalalamang ang Gunga Din laban sa Heaven Strikes at Beautiful Choe na tatawid sa distansiya na 1,200 meters sa Race 6.
Ipinapatok ang Jacobo’s Magic habang ang Arimunding Munding at Tubig at Langis ay makakalaban at magiging banta naman ang Joem Gal sa pagtikada ng Race 7 para sa WTA, Pick 6 at Pick 5. Tip ni Mang Ding- Race 1- Summer Tyle (2) Smart Tyler (1) Race 2- Barumbado (6) Dalagang Bukid (7) Race 3- Wessfacckol (7) Maker’s Mark (5) Race 4- Entry No.5 Right Answer (2) Inter State(1) Race 5- Beautiful Star (3) Entry No.2 Apo Island (7) Race 6- Entry No.4 Heaven Strikes (5) Race 7- Jacobo’s Magic (6) Entry No.7 Joem Gal (9).





Comments