top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Isa, apat, tatlo ni: DTMT

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2019
1 min read

Isa, apat, tatlo,

ano ang ibig sabihin nito?

Pagmamahal na walang hanggan

kahit sa mga numero pa ito iparamdam.

Isa, apat, tatlo,

marahil hindi mo ako gusto dahil

ang katulad ko ay hindi pasado

sa mga katangiang gusto mo sa tao.

Isa, apat, tatlo,

Kailan ko kaya maririnig ito?

Mula sa bibig at puso mo.

Alam kong hindi na, pero ako’y patuloy pa ring umaasa.

Isa, apat, tatlo,

I love you o mahal kita,

kahit ano sa mga ito, basta galing sa iyo

ay okay na ako, oh, mahal ko.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page