Doktor niratrat, utas

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang doktor matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Maitim, Bay, Laguna.
Batay sa imbestigasyon, pasado alas-5:00 ng hapon, sakay ng kanyang sasakyan ang biktimang si Dr. Roderick Mujer, vice-president ng Global Care Medical Center.
Pagsapit sa nasabing lugar, sumulpot sa daraanan nito ang suspek.
Mabilis siyang pinagbabaril saka tumakas sa direksiyon ng Sta. Cruz, Laguna.
Nagpalabas na ng pagtugis ang kapulisan at inalerto ang mga karatig na himpilan sa posibleng ikadarakip ng salarin.





Comments