top of page
Pokwang.jpg

Bangka nasunog, 5 pinoy nawawala

Jersey Sanchez
Feb 16, 2019
1 min read

LIMANG Pinoy crews ang nawawala matapos masunog ang Taiwanese fishing vessel sa Falkland Island.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nangangalap na ng dagdag-impomasyon ang Philippine Embassy sa London tungkol sa insidente.

Gayunman, nakikipag-ugnayan na ang opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa mga awtoridad sa lugar at sa agency ng Pinoy seafarers na handa umanong magpaabot ng tulong.

Umaasa ang DFA na matatagpuan ang mga nawawalang Filipino seaman.

Ayon kay Ambassador to the Kingdom Antonio Lagdameo, kasama ang mga Pinoy sa 69 crew members ng bangkang pangisda mula Taiwan na nasunog noong Pebrero 11.

Samantala, Pilipinas ang isa sa pinakamalaking bansa na nagbibigay ng shipping manpower sa buong mundo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page