top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bakuna kontra tigdas, inilarga na rin sa mall at fastfood chain

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2019
1 min read

PATULOY ang pagdami ng bilang ng may kaso ng tigdas.

Sa pinakahuling tala, nasa 4,300 ang naitalang kaso ng tigdas sa bansa mula Enero at 70 ang naiulat na nasawi.

Kaugnay nito, posible umanong tumagal pa hanggang sa Marso ang nasabing measles outbreak.

Kaya target na mabakanuhan ang lahat ng batang hindi pa nababakunahan kontra tigdas, beke at rubella o German measles upang hindi na umano lumala pa ang sitwasyon.

Sa CALABARZON, nagpasya na ang Department of Health na magtayo ng vaccination centers sa piling fastfood chains at malls sa rehiyon.

Sa isang panayam kay DOH-Region 4-A Director Eduardo Janairo, ito ay bilang suporta sa massive immunization drive ng pamahalaan.

Plano rin ng DOH na bumuo ng vaccination centers sa labas ng mga Simbahan kung saan hinimok na nila ang religious leaders na hikayatin sa loob ng mga misa at re­ligious activity ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra tigdas.

Sa pinakahuling tala, umabot na umano sa 1,434 ang bilang ng tinamaan ng tigdas sa CALABARZON.

Patuloy ang pakiusap hindi lang sa mga lugar na may tigdas outbreak kundi sa buong bansa.

‘Ika nga, prevention is better than cure’.

Huwag na nating hintayin na tamaan ng tigdas ang mga bata at malagay sa alanganin ang buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page