top of page
Pokwang.jpg

37 bloke ng cocaine inanod sa Dinagat Island

Jeff Tumbado
Feb 16, 2019
1 min read

NADISKUBRE ng mga awtoridad ang 37 bloke ng cocaine na inanod sa dalampasigan ng Purok 2, Bgy. Poblacion, Cagdianao sa Dinagat Island.

Nasa pangangalaga na ng Crime Laboratory Office ng Police Regional Office 13 ang iligal na droga upang masuri.

Una nang ipinabatid ng Cagdianao Municipal Police Station na nakita ng mga mangingisda sa Sitio Habongan ang may 37 bloke ng cocaine sa dalampasigan at agad na kinolekta ang mga ito para isuko sa mga awtoridad.

Matatandaang, isang bloke rin ng cocaine ang nakitang palutang-lutang sa dagat na sakop naman ng Vinzons sa Camarines Norte. Nalaman sa laboratory test na ang naturang cocaine ay nagkakahalagang P5 milyon.

Inaalam na ng pulisya kung magkakaugnay o iisa lamang ang pinagmulan ng natagpuang cocaine sa Dinagat Island at sa Camarines Norte. Ikinatuwa naman ng Philippine National Police ang ginawa ng mga mangingisda na maisumbong ang nadiskubreng droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page