top of page

‘Ika nga nila, “happiness is the key to success”! TIPS PARA MAGING GOOD MOOD, ARAW-ARAW

  • Jersey Sanchez
  • Feb 16, 2019
  • 2 min read

MAY mga araw talagang bad vibes tayo dahil kung minsan, eh, nati-triggered tayo ng kung anu-anong bagay, maliit man ito o malaki, uy, aminin! Ha-ha-ha! Kaya para sa mga beshy natin diyan na madalas ma-badtrip dahil sa paligid, narito ang siyam na bagay na puwede ninyong gawin nang sa gayun ay maging good mood kayo sa buong araw:

1. WAKE-UP 30 MINUTES EARLY. Kung mas maaga kang gigising kumpara sa regular na oras ng gising mo, oks ‘yun dahil ang ekstra mong oras ay keri mong magamit sa pag-aalmusal at paghahanap ng mga isusuot mo sa araw na ‘yun. Kapag natapos mo ang mga ‘yun, nakagu-good mood, ‘di ba?

2. 5-MINUTE RULE. Puwede mo itong gawin sa kahit anong bagay, beshy! Oo, kahit ano, basta kaya mo itong tapusin sa loob ng limang minuto tulad ng pagwawalis, pag-aayos ng iyong pinag­higaan o paghahanda ng iyong mga gagamitin sa trabaho.

3. REDUCE SCREEN TIME. Bawas-bawasan mo na ang paggamit ng social media, lodi! Ayon sa mga eksperto, maraming oras ang nasasayang dahil sa pagiging ‘social media addict’ ng ilan. Dahil dito, nakalilimutan nating gawin ang mga bagay na may kaugnayan sa ating trabaho o pag-aaral, kung minsan pa, eh, naba-bad vibes tayo sa mga nakikita natin sa internet. Hmmm… aminin!

4. FIND A FUN PHYSICAL ACTIVITY. Dahil magbabawas ka ng screen time, beshy, why not na gumawa ka ng ilang aktibidad na makatutulong sa iyong pisikal na panganga­tawan? Sa ganitong paraan, magiging productive tayo at magkakaroon ng mas magandang mood dahil magaan ang ating pakiramdam. Ayos!

5.INTAKE MORE WATER. Hindi ba’t, good mood tayo kapag maganda ang kondisyon ng balat natin? Kaya go na at uminom ng maraming tubig! Tiisin na lang natin ang maya’t mayang pag-ihi dahil sa rami ng nainom natin dahil ‘ika nga nila, tiis-ganda lang!

6. WALK 10,000 STEPS PER DAY. Magandang magkaroon ng goal na makasampung libong hakbang tayo kada araw dahil ayon sa mga eksperto, nakatutulong ito upang ma-regulate ang sirkulasyon ng ating dugo. Hindi mo na kailangang maglaan ng bonggang oras para rito, ang simpleng paglalakad sa loob ng bahay, eh, keri na!

7. USE ‘ENVELOPE SYSTEM’. Magandang nao-organized natin ang ating budget pagdating sa ating mga gastusin nang sa gayun ay wala tayong makaligtaan. Halimbawa nito ay ang paggamit ng magkaka­hiwalay na laga­yan ng budget sa bills, pagkain at pamasahe. Sa ganitong paraan, nagiging secured ang ating budget. Okie?

8. SAY ‘NO’ MORE OFTEN. Matuto kang tumanggi dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, eh, puwede ang mga bagay-bagay. Kaysa naman umoo ka, pero hindi ka sure, ‘di ba? Siguradong bawas-stress ang move na ito, lodi!

9. PREPARE YOUR OWN FOOD. Imbes na bumili ka sa fastfood ng iyong lunch, why not na ikaw na mismo ang mag-prepare ng iyong pagkain? Bukod sa hindi ka na madi-disappoint sa rami ng serving, eh, nakatipid ka pa. Oh, ‘di ba, bongga?

Siguradong maiiwasan mo nang ma-bad vibes dahil sa mga gawaing ito. Sanayin natin ang ating sarili na maging good mood, araw-araw upang maging mabuti tayong indibidwal.

Oks ba ‘yun? He-he-he!

Spread the good vibes! Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page