Talung-talo siya sa bisyo niya kaya MATANGKAD NA BYUTING AKTRES, ADIK SA COCAINE KAYA SINUKUAN NG MA
- BULGAR

- Feb 15, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
BREAK na pala ang matangkad at magandang aktres sa kanyang may-edad nang BF na pulitiko sa probinsiya.
Ang latest daw na karelasyon ng aktres ay isang local official dito sa Maynila. Chika ng aming source, binilhan ng condo ang aktres ng kanyang madatung na papa. Pero ang tanong ay kung magtagal kaya ang relasyon nila?
Inusisa kasi namin ang aming source kung bakit nag-break ang aktres at ang may-edad niyang BF na pulitiko. Ang dahilan — drug user daw ang aktres at sa isang gabi lang, ha, ilang sachets ng cocaine ang nauubos nito na of course, ang BF niyang pulitiko ang nagpo-provide.
Eh, natural, gaano man ka-rich ang BF niya, aba, susuko rin sa kanya kung sa isang gabi, nasa P20 K daw ang nabubutas sa bulsa nito pambili ng bisyo ng magandang aktres.
Tsk! Sana’y matauhan ang aktres bago pa mahuli ang lahat dahil baka imbes na napapaligiran siya ng mga kaibigang pulis sa kanyang palabas, eh, next time, bina-buybust operation na siya ng mga ito.




Comments