Rappler CEO Maria Ressa, pa-victim!

INARESTO kamakailan si Rappler CEO Maria Ressa dahil sa kasong cyber libel na isinampa ng private citizen.
Kaliwa’t kanan ang ngawaan ng media outlets. Kesyo raw attack on free speech ang nangyari, diktador daw si P-Duterte, namatay na naman daw ang demokrasya sa Pilipinas.
Heto ang totoo: Katarantaduhang pakulo lang ‘yan ni Maria Ressa!
Hindi si Ressa ang unang mamamahayag na kinasuhan ng libel. Patunay d’yan ay ang libel case na isinampa laban sa atin ni Senador Antonio Trillanes IV.
Sa totoo lang, eh, walang-wala ‘yang eksena ni Ressa sa eksenang sinapit natin. Iisa-isahin natin ang mga dahilan.
Una, pribadong mamamayan ang nagdemanda kay Ressa, senador ang nagdemanda sa atin.
Ikalawa, nabigyan ng sapat na panahon si Ressa para mag-file ng counter-affidavit, samantalang, kahit notification lang na may kaso laban sa atin, eh, wala tayong natanggap.
Ikatlo, ipinaalam kay Ressa ng piskal na mag-a-apply sila para sa arrest warrant, samantalang, nalaman lang natin ito noong may warrant na.
Aba, hamak na mas masaklap ang sinapit natin kaysa kay Ressa, pero hindi tayo ngumawa tungkol dito dahil buong-loob nating hinarap ang kaso.
Pero, hula natin, paandar lang ang kay Ressa.
May sapat na oras si Ressa para magpiyansa, pero hindi niya ito ginawa at sa halip nagpaaresto kahit kararampot lang naman ang kailangang piyansa sa mga libel case.
Sa Trillanes versus Nieto, P10, 000 lang ang hiningi ng hukuman.
Nag-try daw itong magpiyansa sa Pasay RTC, pero hindi raw binigyan? Hmmm…
Napipiyansahan ang lahat kaso maliban na lang kung kulang ang requirements tulad ng sketch ng bahay o cedula.
Alam ni Ressa ang requirement na ‘yan, pero hindi niya kinumpleto. Bakit? Siyempre, para mas ma-drama!
Kamakailan, front page ng isang broadsheet ang “No Bail Recommended” daw, samantalang, sa batas, mga kasong punishable by life imprisonment lang ang hindi puwedeng piyansahan at hindi kasama rito ang libel.
Pero, bakit ganu’n ang sabi? Siyempre, para mas ma-drama!
Hindi tayo nagtatakang nakapagpiyansa sila nang sumunod na araw. Kailangan ni Ressa na magpa-detain kahit isang gabi lang para alam mo na, mas ma-drama!
Nasusuka talaga tayo sa mga pinaggagagawa ng babaeng ‘yan. Kung gaano kapangit ng mukha niya, eh, ganundin ang ipinangit ng ugali niya.
Kung may mga kasamahan tayong manunulat na nagbabasa ng column na ito, may mensahe ako para sa inyo.
Kung gusto nating umangat sa industriya, magsulat tayo nang matapat. Hindi tayo aangat kung ang ginagawa natin ay manira lang ng wala sa lugar tapos magda-drama na parang inaapi.
Alam nating ang pinakakinabubuwisitan sa kulturang Pilipino ay ‘yung mga ipokrito.
Mga ipokritong tulad ni Maria Ressa at ng mga kakosa niya sa media.
Hindi maibabalik ang tiwala ng bayan sa mainstream media kung puro drama lang ang gagawin ng mga mamamahayag.
Dapat ipakita natin sa taumbayan na interes nila ang ating pinangangalagaan at hindi ang interes na pansarili lamang.





Comments