top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Rappler CEO, imbes magsumbong sa mga kakosang media sa Amerika at banatan si P-Digong at ang bayan |

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2019
2 min read

GRABE na ang paninira sa bayan at gob­yerno natin ni Maria Ressa, CEO ng “internet-based” media na Rappler.

Inaresto si Ressa sa kasong isinampa sa kanya (at sa isang empleyado niya) na “cyber libel”.

Ang ibig sabihin nito ay pag-akusa sa tao ng mga kasalanang hindi naman totoo, pero imbes na sa diyaryo lumabas ay sa internet.

Ang nagsampa ng kaso ay isang negos­yante na isinulat ng Rappler noong 2012, nagpagamit umano ito noon ng kanyang mamahaling sasakyan kay Chief Justice Renato Corona dahil may kaso ito sa Korte Suprema.

Dahil doon, nabansagan ang negosyante na kalaban ng administrasyong Aquino kaya na­takot ang mga “sana” ay kasosyo niya kaya na­walan ito ng milyun-milyong bagong negosyo.

Pagsisinungaling naman ni Ressa, dahil lang daw ito sa galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya at sa Rappler dahil ma­rami raw silang artikulong banat sa pa­ngulo.

Kalokohan, mag-aaksaya ba si P-Duterte o kaya ba nitong kausapin

ang huwes na nagpapaaresto kay Ressa tungkol dito?

Ang masama pa nito, naghihihiyaw si Ressa at kinontak pa umano nito ang mga kaibigan niya sa mga media sa Amerika (dati siyang nasa CNN) na inuusig lamang daw ito ng diktador.

Dagdag pa nito, ‘yung artikulo ay lumabas noon pang Mayo 2012, bago naisabatas ang Cyber Libel Law noong Augusto.

Eh, katangahan ‘yan. Inulit na ilabas sa Rappler ang nasabing artikulo noong 2014 at kahit ngayon ay nasa internet pa rin ‘yan.

Kahit napatunayang mali, sa yabang ni Ressa ay hindi pa rin niya ito tinatanggal sa internet.

Mali ‘yan, kung matino si Ressa ay dede­pensahan niya ang lumabas sa Rappler at hindi sisiraan ang administrasyon at bayan natin sa buong mundo.

Naging ugali na ni Ressa ang pagsasa­walambahala sa mga batas ng Pilipinas.

Ipinagyabang niya noong 2017 na mayroon umanong dalawang kumpanyang Amerikano ang nag-invest ng P200 milyones sa Rappler.

Eh, bawal ito sa Saligang-Batas natin kahit singko ay hindi ito puwede ayon sa Konsti­tusyon na magkaroon ng puhunan na banyaga sa negosyong media.

Ayun, inimbestigahan ng Securities and Exchange Commission, na iligal ang ginawa ng Rappler kaya dapat itong ipasara. Muli, ang palusot ni Ressa, tinutugis lang daw sila ni P-Duterte.

Sa pagdadahilan ng Rappler, nasilip na­man ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Hindi lang sila lumabag sa Konstitusyon, pero hindi rin umano sila nakapagbayad ng tamang buwis na aabot sa P133 million dahil sa pag­tanggap ng pondo ng dayuhan.

Isinampa ng BIR sa Justice department na siyang nagsampa ng kaso ng tax-evasion kay Ressa at sa Rappler.

Muli, ang paghihiyaw ni Ressa, tinutugis lang daw sila ni P-Duterte.

Grabe talaga ang paninira ni Ressa at ng Rappler sa bayan. Tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page