Negosyante niratrat, driver nito utas

PINAGBABARIL ang sasakyan ng isang negosyante sa Bgy. Banaba South, Batangas City. Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang driver na si Rommel Perez, 43, may asawa, ng Bgy. Anilao East, Mabini, Batangas habang kritikal ang negosyanteng si Juvinel Garcia, 36, ng Bgy. San Diego, Bauan, Batangas.
Pasado alas-5:00 ng hapon, sakay ng kanilang Toyota Fortuner ang dalawa at nakaparada lamang sa bakanteng lote.
Bigla umanong sumilip sa kanila ang mga suspek saka sila pinagbabaril bago nagsitakas patungo sa Diversion Road.
Nagtamo ang mga biktima ng tama ng bala sa mukha at iba pang parte ng katawan.
Kapwa sila isinugod sa pagamutan subalit, isa sa kanila ang agad na namatay habang nasa kritikal namang kondisyon ang isa pa.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.





Comments