top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nagwawala, ayaw paawat | LALAKI GINULPI, KINATAY NG 2 UTOL

  • Paul Lamsen
  • Feb 15, 2019
  • 1 min read

NASAWI habang ginagamot sa ospital ang isang lalaki makaraang pagtulungang bugbugin ng kanyang dalawang kapatid sa Vigan, Ilocos Sur.

Kinilala ang nasawi na si Excel Lara, 39, may asawa, habang ang mga suspek ay sina Aurelio at Aurora, kapwa nasa hustong edad at nakakulong na.

Ayon sa imbestigasyon, bandang gabi nang dumating na lasing ang biktima at nag-aamok sa kanilang bahay na dahilan para hatawin ng kahoy ng kapatid na si Aurora.

Tumulong din umano si Aurelio at pinagsasaksak naman ang biktima.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit, hindi na ito umabot ng buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page