Motor sumalpok sa trak, rider todas

PATAY ang rider ng motorsiklo habang kritikal ang angkas nito matapos sumalubong sa paparating na trak sa Bgy. Tipaz, San Juan, Batangas.
Pasado ala-1:00 ng hapon, binabagtas ng trak na minamaneho ni Joseph Guadal ang lugar nang biglang salubungin ng motorsiklo na minamaneho ni Kimboy Mendoza, kasama ang sugatang angkas nitong si Maricris Cabansag.
Tumilapon ang mga biktima at agad na isinugod sa pagamutan.
Sumuko naman ang driver sa pulisya na sasampahan ng kaukulang kaso.





Comments