Mga baril, bala timbog sa NAIA

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Miyerkules ng hapon ang walong baril na balak sanang ipadala patungong Taiwan.
Ang mga baril na kinabibilangan ng Glock 19 9mm at Heckler & Koch P2000 V3 kabilang na ang 20 magazines at 266 bala ay nakumpiska sa isang warehouse sa Pasay City.
Ayon sa BOC, nadiskubre sa loob ng solar panel at tool cart ang mga baril at bala na nagkakahalagang P500,000.
Hindi naman binanggit ng Customs ang pangalan ng suspek dahil kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon.





Comments