Matigas daw ang ulo, 5-anyos pinatay sa sakal | KILLER YAYA


DEDO ang 5-anyos na babae makaraang sakalin at talian pa sa leeg ng kasambahay, Miyerkules ng hapon, sa General Santos City.
Arestado ang suspek na Anselma Yangon, 18, matapos sakalin at mapatay ang panganay na anak ng kanyang mga amo na kapwa pulis, na aniya’y matigas umano ang ulo.
Ayon naman sa mga pulis, pinalabas pa ng kasambahay na nagpatiwakal ang bata.
“Allegedly, itong katulong, pumasok na lang sa playroom at nakita na lang ang bata na nakatayo at may tali sa leeg. Dinala sa ospital pero, dead-on-arrival,” ayon sa isang panayam kay Chief Insp. Ananais Vasquez.
Ayon pa sa pamilya, tinangka ring patayin ng kasambahay ang isa pang alaga na 3-taong gulang dahil sa natagpuang mga tali sa loob ng bahay saka umano ito magpapatiwakal.
Sinasabing naging aburido ang yaya matapos mag-away sila ng kanyang boyfriend.
Mariin naman itong itinanggi ng kasambahay at humingi ng paumanhin sa kanyang mga amo.
Samantala, dalawang taon nang kasambahay si Yangon sa pamilya. (BRT)





Comments