KINGS MONTESSORI, DE SOPHIA CALOOCAN Q’FINALISTS SA BEST CENTER VOLLEYBALL
- BULGAR

- Feb 15, 2019
- 1 min read

MADALING tinalo ng defending champion Kings’ Montessori School Team A ang Assumption College, 25-4, 25-9 para makatuntong sa quarterfinals berth ng 18-Under Competitive Division ng 23rd Women’s Volleyball League na idinaos sa Xavier School High School Gym sa San Juan.
Hindi pinagpawisan ang KMS-A sa loob lamang ng 39 minuto para tapusin ang eliminasyon sa 4-0 record sa Group A at umabanse sa susunod na phase habang wala pa ring panalo ang Assumption College sa 0-4 slate sa torneo. Kasama ng KMS-A sa quarterfinals ay ang Colegio San Agustin Makati. Sa Group B, pinatumba ng San Antonio De Padua College ang OB Montessori Center, Greenhills 25-13, 25-22 habang ang Arellano University Team A ay nanaig sa Kings’ Montessori School Team B 25-20, 25-17. Nakabig ng SAPC at AU-A ang q’finals slots sa magkaparehong 2-1 records.
Nakapasok na sa q’finals ang Escuela de Sophia of Caloocan, Inc. (4-0) maging ang San Pedro Relocation Center National High School (3-1) sa Group C. Nanaig ang St. Scholastica’s College, Manila (4-0) sa UST-Angelicum College 25-17, 25-19 habang ang Chiang Kai Shek College (3-1) ay nanalo sa Immaculada Concepcion College 25-15, 25-10 sa Group D para umabanse sa Last 8.
Ang q’final matches ng 18-U Competitive Division ay nakatakda sa Peb. 17 sa pareho ring venue. Hindi pinaporma ng defending champion Holy Family School of Quezon City ang St. Scholastica’s College, Manila 25-21, 25-18 sa 13-U Developmental Division at niyari ng Immaculate Conception Academy ang Holy Family School of Quezon City 25-20, 25-8 sa 13-U Competitive Division. (MC/VA)





Comments