top of page
Pokwang.jpg

Kelot pumalag sa warrant, todas

Paul Lamsen
Feb 15, 2019
1 min read

UTAS sa pulis ang isang wanted habang sugatan din ang kasamahang pulis matapos manlaban sa Bgy. Anoling, Gen. Nakar, Quezon.

Batay sa imbestigasyon, ala-1:30 ng hapon sa pamamagitan ng pinagsanib-puwersa ng dalawang himpilan ng pulisya, tinungo nila ang pinagtataguan ng akusadong si Jeffrey Astrera, 30.

Bitbit nila ang warrant of arrest kaugnay sa kasong 3 counts of robbery at violence against women and children.

Papasok pa lamang umano ang tropa ng pulisya nang magpaputok ang akusado kung saan tinamaan sa binti si PO3 Gerry Moises.

Nagkaroon pa ng habulan hanggang sa mauwi sa engkuwentro ang pag-aresto saka tinamaan ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dinala naman ang sugatang pulis sa pagamutan habang dead-on-the-spot ang akusado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page