top of page
Pokwang.jpg

Dahilan, sa kanila na lang daw… WINWYN, UMAMING BREAK NA SILA NI MARK

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2019
2 min read

KAKAIBA ang pasabog ni Winwyn Marquez kaha­pon sa mismong Araw ng mga Puso dahil umamin siyang break na sila ni Mark Herras sa mediacon ng latest film niyang Time and Again ng Regal Entertainment.

Nag-umpisa lang sa tanong kung paano niya ise-celebrate later ang Valen­tine’s Day at ang sagot ng dalaga ay wala raw dahil busy sa work.

Dito na nga nasundan ng tanong kung hiwalay na ba sila ni Mark at hindi naman nag-deny ang dalaga.

“Paano ko ba sasagutin?” ang simula niya.

“Hindi siguro, ano now, we’re doing our own things. I’m busy with my own work, he’s doing his own work, so, yeah. Opo, actually, yeah, I’m single right now,” pag-amin ng aktres/beauty queen.

Dagdag pa niya, “Siguro, nasa isip n’yo, ‘Bakit?’ Okay kami, we’re both okay, naghiwalay kaming maayos and it was a mutual decision.”

Nilinaw din niya agad na walang third party.

“Walang away, walang third party. My God, parang awa n’yo na, hindi ‘yun talaga ang reason.

“We’re both okay, nag-uusap pa rin naman kami,” she said.

Ayaw nang sabihin ni Winwyn kung ano ang dahilan pati na kung kailan sila nag-break. Basta recently lang daw at sa kanila na rin lang daw sana kung anuman ang reason.

Tatlong taon din ang naging relasyon nina Mark at Winwyn at mami-miss daw niya sa aktor ang pagiging very supportive nito sa kanya.

Hindi naman daw niya isinasara ang pintuan sa posibilidad ng reconciliation, pero sa ngayon ay mahirap daw magsalita ng “oo” at “hindi” and tingnan na lang daw natin kung ano ang puwedeng mangyari.

Kahit wala siyang ka-date ngayong Valentine ay okay lang naman daw dahil busy siya sa work.

“Working Valentine’s Day, so, okay naman,” sambit niya.

Samantala, kung hindi naging successful ang relasyon nila ni Mark, happy naman sa kanyang career ngayon si Winwyn dahil nag-level-up na nga siya to a leading lady material.

Pagkatapos ng Unli Life with Vhong Navarro last year, the 26-year-old actress is top-billing the upcoming Valentine movie, Time and Again opposite Enzo Pineda.

Ayon kay Winwyn ay hindi pa rin siya makapaniwala na leading lady na siya.

“Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin, actually. Parang launching movie ko na rin kasi ‘yung story umiikot kay Apple (her character). I never thought I’d watch myself on the big screen. Hindi ko alam na mabibigyan ako ng ganu’ng opportunity,” pahayag pa ng dalaga.

Mula sa direksiyon ni Joey Reyes, showing na ngayong Feb. 20 ang Time and Again.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page