Chinese arestado | P238 MILYONG SHABU, NASABAT
- Janice Baricuatro
- Feb 15, 2019
- 1 min read

AABOT sa P238 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa inuupahang apartment ng isang Chinese national matapos ang search warrant and follow-up operation, kamakalawa ng hapon sa Bgy. Paliparan, Dasmariñas City, Cavite.
Sa panayam kay Police Supt. Nerwin Ricohermoso, isang follow-up operation ang ikinasa ng Dasmariñas Police, PDEA 4A, PDEA SES, PDEA NCR, PDEA IIS, PDEA ARMM, CIDG Cavite at PPO matapos maaresto ng PDEA 4A sa Quezon City ang Chinese na suspek na si Jun Wah Ting alyas Lee Alexander.
Sa interogasyon sa suspek, ikinanta nito kung saan niya itinago ang mga shabu na kanyang mga nakatakdang i-deliver sa kanyang mga supplier sa ilang lugar sa Pilipinas.
Bitbit ng grupo ang search warrant, agad tinungo ang sinabing lugar kung saan ito nangungupahan.
Dito tumambad sa kapulisan ang bultu-bultong shabu na mga naka-repack at nakalagay na sa 18 selyadong kulay asul na transparent plastic bags na tumitimbang ng may mahigit sa 35 kilos at aabot sa halagang P238 milyon.





Comments