Wildfire halos isang linggo na | STATE OF EMERGENCY SA NEW ZEALAND
- Jersey Sanchez
- Feb 14, 2019
- 1 min read
NAGDEKLARA na ng state of emergency ang gobyerno ng New Zealand sa ilang lugar dahil sa wildfire na halos isang linggo nang sinusubukang apulahin.
Gayunman, sa Tasman District, aabot sa 3,000 katao ang inilikas dahil sa banta ng sunog.
Malapit na umanong maabot ng wildfire ang bayan ng Wakefield.
Samantala, malakas na hangin ang dahilan ng patuloy na pagkalat ng sunog sa lugar.
Umaasa naman si Prime Minister Jacinda Ardern na makikisama ang panahon upang tuluyan nang maapula ang sunog.
Umabot na rin sa 23 helicopter at dalawang eroplano ang sumubok na apulahin ang apoy.





Comments