Pusher pumalag sa pulis, todas

UTAS sa pulis ang isa umanong tulak ng droga matapos manlaban sa buy-bust operation sa Bgy. Sta. Elena, Sto. Tomas, Batangas.
Batay sa ulat, ala-1:50 ng umaga nang ikinasa ang nasabing operasyon laban sa suspek na si Eduardo Mendoza at isa pang hindi nakilalang kasamahan nito.
Sa kalagitnaan ng kanilang negosasyon kaugnay sa bibilhing shabu ng nagpanggap na buyer, nakatunog umano ang suspek.
Bumunot ito ng baril saka nagpaputok sa mga police asset.
Gumanti sila ng putok hanggang sa masapol si Mendoza habang nakatakas ang kasamahan nitong sakay ng motorsiklo.
Dead-on-arrival sa ospital ang suspek habang patuloy ang pagtugis sa tumakas na kasamahan.





Comments