Pulis niratrat ng riding-in-tandem
- Mylene Alfonso
- Feb 14, 2019
- 1 min read

TODAS ang isang pulis-Makati makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakasakay sa kanyang motorsiklo kahapon ng umaga sa Malate, Manila.
Dead-on-arrival sa St. Claire Hospital si SPO3 Reynaldo Jimenez, 53, may asawa, nakatalaga sa Warrant & Subpoena Section ng Makati Police District at residente ng Makati City.
Inilarawan naman ang suspek na naka-helmet at facemask na sakay ng pulang motorsiklo na hindi naplakahan.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 John Bucad ng Manila Police District-Homicide Section, alas- 8:19 ng umaga nang tambangan si Jimenez sa kanto ng Zobel Roxas at Arellano Sts., sa Malate.
Agad namang isinugod ang biktima sa pagamutan pero, idineklarang patay alas-9:27 ng umaga.
Sa impormasyong nakuha sa ilang nakasaksi ng krimen, dalawang lalaki umano ang nakitang naghihintay sa vulcanizing shop at nang makitang paparating ang suspek ay sinundan ang biktima saka pinagbabaril.
Kilala umano ang biktima na masigasig na manghuli ng wanted sa batas kaya malaki umano ang hinalang may kaugnayan sa kanyang trabaho ang pamamaslang.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen.





Comments