top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P-Duterte, imbes na atupagin ang isyu sa taas-presyo, pagpapalit sa pangalan ng bansa ang gusto, hmm

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2019
2 min read

ESPESYAL SA ‘HUGPONG NG PAGBABA­GO’ SI “BONG” GO—Sa mga kandidato sa pagka-senador ng “Hugpong ng Pagbabago” ni Presidential Daughter Mayor Sara Duterte-Carpio ay si ex-SAP Christopher “Bong” Go ang pinaka­espesyal.

Kapuna-puna na sa unang araw ng panga­ngam­panya ng mga kandidato ng “Hugpong ng Pagbabago” sa Pampanga, tig-10 minuto lang pinagsalita sa entablado ang mga ka-line-up ni “Bong” Go, pero siya (Bong Go) ay binigyan ng mas mahabang oras para “magbida” sa publiko dahil pinagsayaw muna ang kanyang mascot, binigyan ng tig-10 minuto ang aktor na si Philip Salvador at ka-look-a-like ni P-Du­terte na ikampanya siya at nang siya na ang nagsasalita ay inabot ito ng mahigit 20 minuto.

Unfair ‘yan sa ibang kandidato ni Mayor Sara, lumalabas kasing si “Bong” Go lang ang binibigyan ng todong-suporta ng “Hugpong ng Pagbabago”, period!

◘◘◘

NAGMISTULANG ‘NUISANCE CANDIDATES’ ANG MGA ‘MA­NOK’ NG LP—Nagmistulang “nuisance candidates” ang mga kandidato sa pagka-senador ng Liberal Party (LP).

Kitang-kita ang ebidensiya sa tele­bisyon at social media na “nilangaw” ang unang araw ng kanilang panga­ngampanya sa Caloocan City, boom!

◘◘◘

IMBES NA PABABAIN ANG MATAAS NA PRESYO NG MGA BILIHIN, PANGALAN NG PILIPINAS ANG NAIS PAPA­LITAN NI P-DUTERTE—Nais ni P-Duterte na palitan ng pangalang “Maharlika” ang Pilipinas.

Pambihira, imbes na ang intindihin ni P-Duterte ay kung paano mapa­bababa ang napakataas na presyo ng mga bilihin dulot ng kanyang isinabatas na TRAIN Law, eh, ang gustong papalitan ay ang pangalan ng Pilipinas, buwisit!

◘◘◘

RAKET SA JURISDICTION NINA NOVALICHES POLICE CHIEF CEJAS AT P’QUE POLICE CHIEF ROSALES, UNTOUCHABLES—Tuloy pa rin daw ang operasyon ng color games nina “Elmer” sa Bagbag, Novaliches, QC at “Edrian” sa Sto. Niño at Sucat, kapwa sa Parañaque City.

Kung ganu’n, untouchables pala sa mga jurisdiction nina Novaliches Police Chief Supt. Rossel Cejas at Parañaque City Police chief, S/Supt. Rogelio Rosales ang raket ng mga iligalistang ito, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page