top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Na-trap sa bahay | 4 YRS. OLD HIMALANG NAKALIGTAS SA SUNOG

  • V. Reyes
  • Feb 14, 2019
  • 1 min read

HIMALANG nakaligtas sa sunog na lumamon sa kanilang bahay ang apat na taong gulang na babae sa Bgy. Socorro, Cubao, Quezon City, Martes ng gabi.

Alas-8:00 ng gabi nang magsimula ang pagkalat ng apoy sa kuwarto mismo na kinaroroonan ng noon ay nahihimbing nang si Precious Tabuena.

Tinangka pa umano ng lola ng bata na itulak ang pinto ng silid ng bata ngunit, hindi na nito kinaya dahil sa malaki na ang apoy.

Nabigo ang matanda na mailabas ng silid ang paslit.

Matapos ang halos isang oras ay naapula ang sunog na umabot ng unang alarma.

Sinubukan ng mga bumbero at kaanak ng bata na hanapin ito sa loob ng nasunog na bahay ngunit, hindi matagpuan.

Bagama’t, umalis na ang mga bumbero, nagtiyaga pa rin ang lolo ng paslit na hanapin ito.

Matapos ang mahigit apat na oras na paghahanap kay Precious, nakita itong nasa sulok ng nasunog na kuwarto malapit sa pader.

Nagsalita lang umano ang bata kaya narinig ng naghahanap sa kanya.

Nagtamo ng mga galos sa balikat at ulo si Precious na agad namang dinala sa pagamutan.

Itinuturing ng mga kaanak ng bata na himala ang nangyari dahil matapos ang matagal na paghahanap sa loob ng natupok na bahay ay natagpuan siyang buhay.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, napabayaang kandila ang sanhi ng apoy.

Isang taon na umanong walang kuryente sa bahay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page