top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa palad... LALAKING NAKATAKDANG UMUNLAD KUNG MAGSISIKAP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 14, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Matagal na akong sumusubaybay sa mga artikulo ninyo, pero hindi ko pa rin gaanong nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng Fate Line na nagsimula sa Life Line at natapos sa ilalim ng daliring panggitna?

  2. Ganyan kasi ang guhit ng aking mga palad, kaya sana, masagot ninyo ang katanungan kong ito upang maunawaan ko nang lubos ang aking takdang kapalaran.

KASAGUTAN

  1. Kapag ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) ay nagsimula na nakadikit sa Life Line (L-L arrow b.) sa kaliwa at kanang palad, ito ay tanda na sa sarili mong diskarte at pagsisikap, makakaya mong mag-isa na maiahon ang iyong buhay sa kahirapan, gayundin, makakaya mong maiahon sa kahirapan ang inyong pamilya na nasa probinsiya.

  2. Ito ang tipikal na kuwento ng indibidwal na nanggaling sa mahirap na angkan, ngunit, dahil sa marubdob na pagsisikap ng nasabing nilalang, nagawa niyang paunlarin ang kanyang sariling buhay, gayundin, ang buhay ng kanyang mga magulang sa probinsiya.

  3. Ibig sabihin, makararanas ka ng hindi biru-birong pagsisipag hanggang sa bandang huli ay makamit mo ang maunlad at masaganang pamumuhay (F-F arrow c.).

  4. Madali namang pinatunayan at kinumpirma ang nasabing pagtaya, makaaahon ka sa kahirapan.

Samantala, ayon sa malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad, makapag-a-abroad ka at sa sandaling tuluyan ka ng nakalayo sa sinilangan mong bayan, doon na unti-unting itatala ang sunud-sunod mong suwerte at magandang kapalaran hanggang sa tuluy-tuloy ng umunlad at makaahon sa kahirapan ang inyong pamilya.

DAPAT GAWIN Kaya, ayon sa iyong mga datos, Jimmy, kung kasalukuyan kang naninirahan sa inyong probinsiya at balak mong lumuwas ng Maynila o makipagsapalaran sa ibayong-dagat, tiyak na ang magaganap, ngayong 2019, sa edad mong 31 pataas, walang duda, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran na magiging daan upang tulad ng nasabi na, uunlad ka at maiaahon mo rin sa kahirapan ang iyong pamilya sa inyong probinsiya hanggang sa magkaroon ka ng sariling pamilya na hahantong sa masaya at maunlad na pagsasama habang kayo ay tuluy-tuloy na yumayaman (H-H arrow e.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page