top of page

Lalo na kung dehins mo na kering walang label, sis! TIPS PARA SA MGA MAY KA-M.U

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 14, 2019
  • 2 min read

BUTI pa nu’ng bata tayo, sa sugat lang tayo takot, pero ngayong malaki na tayo, takot na tayo sa commitment. Ay, may ganu’n? Kidding aside, hindi natin maitatanggi na masakit para sa atin kapag handa na tayong sumugal, pero siya, eh, hindi pa. Kaya mga bro at sis, narito na ang ilang tips para sa mga tropa natin diyan na mayroong ka-M.U (mutual understanding) na hindi pa kayang mag-commit:

1. ACCEPT REALITY. Ito ang una mong dapat gawin kapag hindi pa handang sumabak sa relasyon ang taong gusto mo. Ayon sa mga eksperto, isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa handa ang indibidwal na mag-commit ay dahil sa kanyang priorities. Maaaring kabilang ka rin sa kanyang priorities, pero hindi ikaw ang una. Oks na rin ‘yun dahil ‘ika nga nila, mas okay nang malaman ang totoo, kaysa maniwala sa bagay na kasinungalingan lang pala.

2. LET HIM/HER KNOW WHAT YOU WANT. Sa lahat ng pagkakataon, komunikasiyon ang pinakamahalaga nang sa gayun ay magkaunawaan ang dalawang panig. Ayon sa mga eksperto, bagama’t, ipinakikita o nababanggit mo ang mga bagay na gusto mo, maaaring hindi ito mapansin ng indibidwal dahil may kani-kanya tayong interpretasiyon sa mga bagay-bagay. Kaya lodi, huwag mo nang daanin sa parinig at sabihin mo na kaagad kung ano ang iyong gusto? Okie?

3. BE OPEN TO COMPROMISING. Paano? Gawin mo lamang ang Step 2. Ang pagpapanatili ng magandang relasyon ay naisasagawa sa pamamagitan ng pag-intindi sa isa’t isa. Gayunman, ang pagkakaroon ng magkaibang opinyon at pananaw sa mga bagay ay kayang mapanatili kung marunong tayong rumespeto.

4. GIVE YOURSELF TIME IN MAKING DECISIONS. Huwag kang basta-basta magdedesisyon. Tandaan mo, hindi lang ikaw ang nasa relasyon. Mabuting magkaroon ka ng sapat na panahon para malaman mo kung dapat ka pang mag-stay sa set-up ninyo o kung maghahanap ka ng commitment sa iba. Maaaring ngayon, eh, gusto mo ng bagay na sigurado, pero, mabuting bigyan mo ng oras ang iyong sarili bago ka tuluyang magdesisyon.

5. CHECK YOURSELF. Ayon sa mga eksperto, hindi masamang magkaroon ng standards sa pagpasok sa long-term relationship, ngunit, importante umano na ang standards mo ay makatwiran dahil lahat ng tao ay may kani-kanyang timeline pagdating sa pagkakaroon ng commitment. Halimbawa, ang ka-M.U mo ay bukas sa pagkakaroon nang mas malalim na pakikipagkaibigan, pero hindi pa handa sa pagkakaroon ng commitment.

6. TAKE EVERY FACTOR INTO ACCOUNT. Kung hindi pa handa ang indibidwal sa pagkakaroon ng commitment, huwag kang mag-assume na hindi ka niya gusto dahil dapat mong i-konsidera ang lahat ng bagay na posibleng dahilan kung bakit siya natatakot mag-commit. Kabilang dito ang pagkakaroon niya ng hindi magandang karanasan mula sa huli niyang relasyon, kaya mayroon siyang trust issues, puwede ring gusto muna niyang i-enjoy ang moment habang nasa phase kayo ng relasyon.

Oh, ayan mga beshy, tandaan natin na walang masama kung pag-iisipan nating mabuti ang pag-commit sa relasyon dahil hindi ito simpleng bagay.

Para sa mga bro at sis natin d’yan, alam n'yo na, ha? Hi-hi-hi!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page