Iniwan ng misis bago mag-Valentine‘s Day | NANAY TINAGA, TATAY SINUNOG NG ANAK
- Jeff Tumbado
- Feb 14, 2019
- 1 min read

TODAS ang isang ama nang pagtatagain saka sunugin ng kanyang anak sa Salvador Benedicto, Negros Occidental.
Nabatid mula sa Negros Occidental Provincial Police Office, natutulog ang biktimang itinago ng mga awtoridad sa alyas Jake, 64, kasama ang asawa nito nang pasukin ang kanilang bahay sa Bgy. Igmaya-an ng 40-anyos na suspek na si ‘Jess’.
Kinaladkad at hinila pa umano ng suspek ang bangkay ng ama palabas ng bahay saka sinunog.
Bagama’t, tinangka ng ina ng suspek na pigilan ang ginagawa ng anak, tinaga rin siya nito kaya napilitang tumakas.
Naka-confine na sa ospital sa Bacolod City ang ginang.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon na may problema sa pag-iisip ang suspek matapos abandonahin ng kanyang misis noong nakaraang linggo.
Patuloy nang tinutugis ng pulisya ang suspek habang sinisiyasat na rin ang iba pang posibleng motibo sa krimen.





Comments