top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | PEBRERO 14, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 14, 2019 (Huwebes): Bi­lis ang magdadala sa iyo ng matagumpay na bu­hay. Ang yaman ay sa bilis mo rin makukuha dahil ito ang sandata para sa iyong maga­gandang kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong taga­lan ang pagpaplano na may kinalaman sa pag­papayaman. Maaaring maunahan ka ng iba at sa huli ay maiinggit ka pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-9-11-12-20-32-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka ma­saya, ‘yun ang piliin mo. Walang ta­ong gustong maging ma­lungkot. Kaya ang ma­sasayang aktibidad ay huwag mong palagpasin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-26-36-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Masaya ka sa tingin ng iba, pero ang totoo, na­lilito ka kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-28-31-36-43.

CANCER (June 21- July 22) - Nag-uuma­paw ang dam­damin mo sa pagmamahal. Ang payo sa iyo ay ihayag mo ang na­darama mo. Ito ang tunay na susi tungo sa ka­ligayahan. Ito ang mensa­he para sa iyo ngayon. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-29-30-36-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­ging matalino ka sa paggas­tos ng iyong mga salapi. Ang kaliga­ya­han ay napapalitan ng kalungkutan kapag nau­busan ka ng perang pang­gastos sa mga susunod na araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-6-9-14-24-26-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mababawasan ang kaligaya­han mo kapag hindi mo pinalaya ang mga negatibong bagay na nag­lalabas-masok sa isi­pan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-12-28-30-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang maligayang araw na ito. Huwag mong kaligtaan na sa pagiging malaya, ang tao ay tunay na lumiligaya. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-3-12-29-30-38-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansa­man­talang ligaya lang ang iyong mararamdaman kung hin­di mo iisipin ang iyong ki­nabukasan. Huwag mong kalilimutang maging ma­talino, ibig sabihin, isip ang gamitin mo at hindi ang iyong damdamin. Ma­su­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-17-18-20-21-33-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi na­bubuhay ang tao para lang maghanapbuhay. Kaila­ngan mo ring tutukan ang mga bagay na makapag­bibigay ng kaligayahan sa indibidwal. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-1-8-20-25-30-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Palagi mong tatan­daan na ang halik ay mahalaga sa tao dahil nakatatanggal ito ng pagod at problema. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-3-17-21-28-36-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nag­sisinungaling ang mahiwa­gang salamin sa dingding. Ikaw ay nananatiling ka­akit-akit. Ang babala ay nagsasabing mag-ingat ka dahil dumarami ang mga taong naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-27-39-40-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago mo ma­kalimutan, ipi­naaalala sa iyo na may mga suwerte ka mula sa malayo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-20-21-26-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page