Feedmills nilooban, P300-k natangay
- Levi Gonzales
- Feb 14, 2019
- 1 min read

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang kapulisan kaugnay sa panloloob sa isang feedmill sa Bgy. Bangin, Agoncillo, Batangas.
Alas-7:40 ng umaga, bumulaga sa security guard ng naturang establisimyento ang puwersahang pagpasok ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Umakyat sa bubungan ang mga suspek saka sinira.
Agad nilang tinungo ang main vault at winasak hanggang sa tuluyang natangay ang P300,000 cash.
Narekober sa insidente ang isang lubid na may siyam na metro ang haba at isang pares ng tsinelas at gloves.





Comments