Dengue outbreak sa biliran

NAGDEKLARA ng dengue outbreak si Kawayan, Biliran Mayor Rodolfo Espina, Sr. dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng sakit sa lugar.
Mula noong Martes, nasa 81 kaso na ang naitala sa sampung barangay sa probinsiya.
Sa isang panayam, sinabi ni Municipal Health Officer Dr. Christine Balasbas na pinakamarami sa Bgy. Mapuyo na may 42 kaso ng dengue.
Sumunod sa nasabing bilang ang Bgy. Tucdao na may 12 kaso ng nasabing sakit. Gayunman, ani Balasbas, marami nang gumaling sa 81 kaso.
Sa ngayon, 15 pasyente pa ang nananatili sa Rural Health Unit. Samantala, ipinag-utos na ang malawakang paglilinis sa kapaligiran para puksain ang mga lamok na nagdudulot ng dengue.





Comments