Businesswoman, 2 pa kulong sa shabu

TATLO kabilang ang 39-anyos na businesswoman na nagpapautang ng 5-6 at sideline umano ang pagbebenta ng shabu ang arestado sa buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Malabon Police Chief Senior Supt. Jessie Tamayao, alas-3:30 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team sa pangunguna ni Insp. Rolando Domingo ang buy-bust operation sa Prelaya St., Bgy. Tugatog kontra sa businesswoman na si Ruby Mateo, 39, at kay Racquel Serano, 49, kapwa ng Bgy. 11, Caloocan City.
Nagawang makabili ng isang sachet ng shabu ang undercover police at nang magbigay ito ng signal na nagkaabutan na, agad kumilos ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang dalawa.
Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang 16 transparent plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money.
Samantala, alas-8:30 ng gabi habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct 2 sa kahabaan ng McArthur Highway, Bgy. Potrero nang mapansin si Gerald Salvador, 49, ng Bagong Barrio, Caloocan City na abala sa pagbusisi ng isang plastic sachet ng shabu na naging dahilan upang arestuhin ito.
Nang kapkapan, isa pang plastic sachet ng shabu ang narekober ng mga pulis sa suspek.





Comments