Bebot na kindaper, tiklo

Feb 14, 2019
1 min read

HULI ang 22-anyos na babae matapos i-report na nangunguha umano ng bata sa Sipocot, Camarines Sur.
Batay sa sumbong ng Grade 4 na anak kay Augusto Abo, pauwi na siya nang mapansing sinusundan ito ng babae hanggang pinilit siyang isakay sa puting sasakyan at mapalad umano siyang nakatakas.
Nagpakilala naman ang suspek na si Elena Judilla, ng Naga City. Nakuha rin sa suspek ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu. (BRT)





Comments