Ahas, ginamit pang-interrogate | PULIS, LAGOT
- Jersey Sanchez
- Feb 14, 2019
- 1 min read
HUMINGI ng dispensa ang pulisya ng Indonesia sa paggamit ng ahas upang takutin ang pinaghihinalaang magnanakaw.
Kumalat ang video sa internet kung saan makikitang sumisigaw ang suspek habang nakapulupot ang ahas sa kanyang leeg habang kinakausap.
Habang tinatanong kung ilang beses na itong nagnakaw, inilapit din sa kanyang mukha ang ulo ng ahas.
Sa naturang video, maririnig ang isang lalaki na inuutusan ang akusado na dumilat at nagbantang ipapasok sa kanyang bibig ang ulo ng ahas.
Ayon sa pahayag ng local police chief na si Tonny Ananda Swadaya, nagsagawa na sila ng hakbang laban sa tauhan na may kaugnayan sa isyu.
Samantala, aminado ang opisyal na hindi ‘yun ang tamang gawain ng mga propesyunal at iginiit nito na maamo ang ahas at hindi umano ito nakalalason.





Comments