80 huli sa gun ban

ARESTADO ang 80 katao at nakuhanan ng 90 pirasong baril sa magkakahiwalay na all-out drive operation kontra kriminalidad na isinagawa ng pulisya sa Southern Metro Manila.
Ipinrisinta ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Eliseo Cruz kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director General Guillermo Eleazar, ang nasa 90 assorted loose firearms na nakuha mula sa iba’t ibang suspek na hinuli dahil sa paglabag sa election gun ban at illegal possession of firearms.
Nakakuha rin ang mga awtoridad ng mga bala, granada, shabu at drug paraphernalia.
Iniharap din kay General Eleazar ang nasa 80 suspek na nahuli matapos masangkot sa iba’t ibang uri ng krimen.
Base sa record ng SPD, ang nasabing accomplishment report ay isinagawa mula noong Enero 13 hanggang kahapon.
Dahil na rin ito sa magkakahiwalay na all-out drive operation kontra kriminalidad na ikinasa ng pulisya ng mga Lungsod ng Makati, Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Taguig at bayan ng Pateros.





Comments