Wanted na rapist timbog
Pabs Hernandez III
Feb 13, 2019
1 min read
ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Midatag, Leon Postigo sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jerry Baguiso, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Baguiso sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad si Baguiso nang dakpin ito sa nasabing lugar.





Comments