top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tserman niratrat sa bgy. hall, todas

Mylene Alfonso
Feb 13, 2019
1 min read

ISANG kapitan ng barangay ang pinagbabaril ng riding-in-tandem habang nakatayo sa harapan ng barangay hall sa panulukan ng Hermosa at Pilar Sts. sa Tondo, Manila.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Marcelino Ortega, 42, chairman ng Bgy. 199 Zone 18, sanhi ng tama ng bala sa ulo at dibdib.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Joseph Kabigting, alas-2:58 ng hapon nang mangyari ang insidente sa nabanggit na lugar.

Una rito, nasa harap umano ng barangay hall ang biktima nang dumating ang riding-in-tandem at agad na binaril ang biktima.

Patuloy na ang imbestigasyon sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page