Tigdas outbreak, dengue lumala | PANAWAGAN SA MGA NANAY: IBALIK ANG TIWALA SA BAKUNA

NANAWAGAN si House Deputy Speaker Pia Cayetano sa mga ina na ibalik ang kanilang tiwala sa mga bakunang subok nang nakapipigil sa mga sakit tulad ng tigdas, polio, chicken pox at iba pa.
Kasunod ito ng seryosong problema ng measles outbreak sa ilang rehiyon sa bansa, kasama na ang Central Luzon na sinabayan ng paglala ng kaso ng dengue.
Bilang pangunahing may-akda ng Mandatory Infants and Children Immunization Act (Republic Act 10152), hinimok niya ang mga ina na pabakunahan ang kanilang mga anak upang mailigtas sila sa mga mas seryosong kumplikasyon ng sakit.
Nailahad din ng mambabatas ang kanyang personal na karanasan kung saan namatayan siya ng anak dahil ipinanganak itong maraming kapansanan.
“Nawalan ako ng anak, hindi ko kagagawan, ‘yun na talaga ng tadhana namin. Pero ‘yung hindi lang nabakunahan, maiiwasan po ‘yun,” dagdag pa nito.





Comments