top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Test run ng pagbabalik ng angkas, aprub na sa kamara at DOtr

  • V. Reyes
  • Feb 13, 2019
  • 1 min read

MAAARI na muling umarangkada nang hindi kakabahan sa panghuhuli ang mga motorcycle taxi tulad ng Angkas.

Ito ay makaraang magkasundo ang Kamara at Department of Transportation (DOTr) na magkaroon ng pilot run ng motorcycle ride-hailing service na balangkasin ang kaukulang regulasyon para sa operasyon nito.

Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development, sinabi ni Transportation Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang ulit nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) para pag-aralan ang ipatutupad na mga panuntunan sa pagpasada ng mga motorcycle taxi.

Idinagdag pa ni De Leon na sa sandaling maisapinal na ang implementing rules and regulations (IRR), paaaprubahan na lamang ito kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

Ipinupunto ng mga nagtutulak ng nasabing hakbang ang pangangailangan ng libu-libong pasahero na magkaroon ng alternatibong masasakyan sa gitna ng mabigat na daloy na trapiko lalo na sa Metro Manila. Aabot umano sa 27,000 Angkas-biker partners ang makikinabang sa hakbang na ito.

Sinasabing naapektuhan ang pinagkakakitaan ng mga motorcycle taxi makaraang magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) kasunod ng petisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa paniniwalang hindi ligtas na pampasada ang motorsiklo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page