top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 13, 2019 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 13, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 13, 2019 (Miyerkules): Hin­di ka mawawalan ng lihim na mga kaaway, pero da­rating ang panahon na ito ay iyong malalagpasan. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tahakin mo ang landas ng buhay na iyong nilalakaran. Ang mga kaba sa dibdib mo ay likha lang ng mga anino na akala mo ay hahadlang sa iyo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-17-20-21-28-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gamitin mo ang paborito mong alahas. Isuot mo ito kahit nasa ba­hay ka lang. Ito ang mag­sisilbing pampasu­werte mo nang sa gayun ay mag­la­pitan ang magagandang ka­palaran sa buhay mo. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-14-29-30-38.

GEMINI (May 21- June 20) - Kahit nag-a­alinlangan ka, ituloy mo pa rin ang gusto mong gawin. Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran sa mga araw na ito na mapasasaiyo pa rin ang anumang gugus­tu­hin mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-24-29-35-36.

CANCER (June 21- July 22) - Mangyayari sa buhay mo ang sinasa­bing iba ang nagtanim, pero iba ang kumain. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-9-13-25-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Na­kagugulat ang pangga­ga­lingan ng mga suwerte mo. Kikilos ang mga lihim at lantad mong mga kaaway, pero ang resulta ay mas susu­wertehin ka pa kaysa sa kanila. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-12-22-29-30-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iiral ang ka­hi­naan mo da­hil binibig­yan mo nang pansin ang mga negatibong pananaw. Ga­yunman, magpapatuloy pa rin ang pagdating ng ma­gagandang kapalaran sa iyong buhay. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-15-19-29-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka da­pat magka­roon ng hinanakit sa taong gagawa sa iyo ng hindi maganda dahil ayon sa kapalaran, siya ang pagmu­mulan ng mga biyayang mapasasaiyo. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-27-30-39-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga kaganapan. Huwag mong kaliligtaan na ang pasya ng langit ay para sa iyong kapakanan. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-29-30-31-33-38-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang magagawa ang iba para pa­bag­sakin ka. Kaya huwag kang mangamba dahil pa­tuloy na gaganda ang iyong kapalaran. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-16-21-27-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong ubusin ang oras mo sa pag-iisip kung bakit nang­yayari ang mga kagana­pan. Ang mas maganda ay ang magtiwala ka sa la­ngit dahil Siya ang tunay na na­kaaalam ng lahat. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-24-27-35-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dito sa mundo, hindi patalinuhan ang labanan kundi pasu­wer­tehan. Masuwerte ka! Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-13-26-34-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap ma­unawaan, pero ang daan na ma­kitid at madilim ay papunta sa tagumpay. Ang daan na madaling lakaran ay pa­punta sa kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-13-17-20-27-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page