top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Fans, kaya galit na galit sa mister ng aktres… KYLIE AT RURU, SINIRA NI ALJUR, NAGKAHIWALAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 13, 2019
  • 2 min read

HETO na naman ang kasama namin sa bahay na si Melai na up-to-date lagi sa mga balitang artista.

Nu’ng una, galit na galit ito sa pagkawasak ng tambalang Kylie Padilla at Ruru Madrid sa Encantadia at to high heavens ang pagkainis niya kay Aljur dahil ito nga raw ang puno’t dulo kung bakit nag­ka­hiwalay ang pumapatok na sanang love team.

But with the resurgence of TODA One I Love, kinikilig na naman ito.

Sey nito sa amin, “‘Di man sila nagkatuluyan sa tunay na buhay, pinaligaya naman nila kaming mga fans sa pagtatambal nilang muli. Kinalimutan muna namin si Aljur (Abrenica). Kahit pangarap lamang, natupad din ang wish naming magkabalikan sila.”

Mukha ngang nagte-trending sa ngayon ang TODA One I Love. Comedy kasi ito kaya marami ang nanonood.

Sabi ni Joy Dominguez na kapit­bahay namin, “Pampagaan ng kalooban, pa­rang pampa-relieve sa sunud-sunod na dramang napapanood namin.”

Bago sa comedy sina Ruru at Ky­lie pero amazingly, they can deliver. Fresh faces din ang dating ng tandem nila kaya welcome to behold na maki­tang muli ang nagbabangayan at nagpapakilig na love team onscreen.

Pero totoo nga bang pineke ang mga kissing scenes dito nina Kylie at Ruru por respeto raw kay Aljur?

On the other hand, according to a report, pinanood daw ni Aljur ang first episode ng serye. Sa pun­tong may nakakakilig na eksena sina Ruru at Kylie, nag-react daw ito.

Ang eksena kasi, na-out of balance si Kylie at muntik nang ma­tumba pero nasalo ito ni Ruru at nag­kalapit ang mga mukha ng dalawa.

But instead of feeling jealous, napahalakhak pa raw si Aljur at tinakpan ng mga kamay ang mukha. Naaliw daw nang husto ang asawa ni Kylie.

But you know, nu’ng mga unang araw pala pagka­panganak ni Kylie, balak nitong mag-quit na sa showbiz at alagaan na lang si Alas (anak nila ni Aljur). But with the go-signal of Aljur, balik-showbiz siya.

In the short time that they have been together at naikasal pa nga, they have matured a lot to the extent na naisip din nila ang future ng kanilang family. Kaya ayan, balik-trabaho si Kylie.

On the other hand, pumapatok ang TODA dahil very contemporary ang tema nito. It’s all about OFW, pulitika at buhay ng mga ordinaryong tao, specifically tricycle drivers.

Marami ang nakaka-relate rito kaya may appeal most especially sa masa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page