top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Comelec, inutil sa pagsakay ng mga kandidato ngayong Valentine's Day, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2019
2 min read

BISPERAS na ng Valentine’s Day.

Hindi maaasikaso ng mga kandidato ang makipag-date sa kanilang pamilya!

◘◘◘

MARAMI ring gimik ang mga kandidato ngayong selebrasyon ng Valentine’s Day.

Bigo ang Comelec sa pagsakay ng kandidato sa okasyong ito!

◘◘◘

CAMPAIGN period na, pero nakatengga pa rin ang Comelec sa ilang mahahalagang desisyon.

Hindi pa kasi napagdedesisyunan ang petisyon laban sa kandidatura ng mag-asawang Alan Peter at Lani Cayetano!

◘◘◘

NAGHIHINTAY na ang mga taga-Taguig sa naturang desisyon.

Magkaiba ang address ng mag-asawa na kakandidato sa magkaibang distrito bilang kongresista!

◘◘◘

KINUKUWESTIYON ng kanilang kritiko kung bakit magkaiba ang address ng mag-asawa?

Para sa kanila, imposibleng sitwasyon ito!

◘◘◘

PERO, alam ba ninyong magkaiba rin ang address ng mag-asawang Rep. Rodito Albano na ginamit ang address sa Isabela at ng kanyang asawang si Rep. Mylene Garcia-Albano na ginamit ang address sa Davao City?

Ganyan din ang sitwasyon nina Congresswoman Estrellita Suansing na ginamit ang address sa Nueva Ecija at Congressman Horacio Suansing na may address sa Mindanao sa Sultan Kudarat!

◘◘◘

MAY katulad na sitwasyon din ito sa U. S., ang mag-asawang kongresista na sina Leon William Paxon at Susan Molinari ay kumakatawan sa magkahiwalay na distrito sa New York.

Sa totoo lang, nagkaroon ng desisyon ang Korte Suprema sa naturang isyu, pero mahalagang hintayin pa rin natin ang desisyon ng Comelec!

◘◘◘

SANA magdesisyon agad ang Comelec upang hindi malito ang mga botante sa araw ng eleksiyon.

Malaya ang mga botante na masukat ang kakayahan at kuwalipikasyon ng mga kandidato!

◘◘◘

MAS mainam na pan ang kandidato hindi sa teknikalidad, bagkus, sa kanilang integridad at kakayahan na gampanan ang tungkulin.

Nag-aapura na ang mga kandidato sa kampanya at mahalagang mailahad nila ang mga plataporma de-gobyerno nang walang bagabag sa protesta!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page