Boy band, gumawa ng record sa buong mundo… BTS, UNANG KOREAN ARTISTS NA PRESENTER SA GRAMMY AWARDS
- Lee Vin Nia
- Feb 13, 2019
- 1 min read

GUMAWA ng history hindi lang sa South Korea kundi maging sa buong mundo ang boy band na BTS last Feb. 10 bilang kauna-unahang Korean artists na naging presenter sa Grammy Awards.
Hindi man nasungkit ng BTS ang Best Recording Package award for Love Yourself album sa 61st Grammy Awards, ang pagiging nominado at presenter ay isang napakalaking milestone na for any Korean artist.
BTS presented the award for Best R&B Album to H.E.R. na siyang pinaka-memorable moment para sa grupong kinabibilangan nina J-Hope, Jin, Suga, RM, V, Jimin at Jungkook.
“Growing up in South Korea, we always dreamed about being on the Grammy’s stage. Thank you to all our fans for making this dream come true. We’ll be back,” ang sabi ni RM before announcing the nominees.
Nang ma-interview sila matapos ang presentation ng award, ani Suga ay hindi pa rin siya makapaniwala that they made it to the Grammy’s.
Pero ang isa pang pinaka-memorable sa mga fans (ARMY’s) ay ang pagla-live streaming ng grupo sa hotel after the awards night. Sa halip na dumalo sila sa after parties ay nag-stay lang sila sa hotel at nag-celebrate at “live” itong napanood ng lahat to the point na nag-crash daw ang server sa dami ng nanood.





Comments