ARELLANO LADY CHIEFS, KAMPEON


WALANG kaba, kalmado kahit nalamangan, kaya nasilo ng Arellano University ang three-peat matapos kalusin ang Perpetual Help, 22-25, 25-15, 25-18, 25-18 kahapon sa do-or-die game 3 ng 94th NCAA women’s volleyball tournament sa San Juan.
Umahon ang Lady Chiefs sa fourth frame matapos malusaw ang three-point lead nila 11-8.
Bumanat ng limang sunod na puntos ang Lady Altas para maagaw ang bentahe, 13-11, hindi naman nasira ang loob ng Arellano U kumadena ng puntos para makuha ang pang-apat na titulo sa limang seasons.
Nalagay sa alanganin ang Lady Chiefs sa kanilang best-of-three series matapos yumuko sa Game 1, pero binitbit sila nina Most Valuable Player, (MVP) Necole Ebuen at Regine Arocha para makuha ang inaasam na titulo.
Tinanghal na Finals MVP si Arocha na naging pangunahing instrumento sa Game 3.
Hindi natupad ang misyon ng Perpetual na walisin ang men’s women’s at juniors divisions dahil sa pagkatalo ng Lady Altas. (ATD)





Comments