top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA IBA’T IBANG KLASE NG PAG-IBIG

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Adora ng Adora_Dela_ Cruz@facebook.com

Dear Señor, Nababasa ko ang kolum ninyo sa Bulgar dahil araw-araw ay bumibili ang nanay ko. 16 years old na ako ngayon at January 19, 2003 ang birthday ko. Palaging sinasabi sa akin ni nanay na huwag muna akong magbo-boyfriend dahil bata pa raw ako, pero aaminin ko sa inyo, Señor, na may mga nanliligaw na sa akin. Ang totoo nga marami sila, eh, may bata, binata, kapwa ko estudyante at may mga matatanda na at ‘yung iba ay hiwalay sa kanilang asawa. Ano ang maipapayo ninyo sa akin? Sana, masagot ninyo ang aking mga katanungan.

Naghihintay, Adora

Sa iyo Adora, Unawain mo ang nanay mo dahil ‘ika nga, “mother knows best”, pero siyempre, hindi naman palaging si nanay na lang ang nakaaalam kung ano ang pinakamaganda para sa kanyang anak.

Ang totoo nga, maraming mga magulang ang masyadong nakikialam sa buhay ng mga bata, kaya ‘yung iba ay naiirita na at nagrerebelde.

Sa ngayon, akala ng mga anak ay sila ang nakaaalam kung ano ang tama para sa kanila, pero ang totoo, mga magulang pa rin ang magiging tama pagdating ng araw dahil napagdaanan na nila ang mga sitwasyon na pinagdaraanan palang ng kanilang mga anak.

Ano ba ang maganda? Eh, ang ano pa nga ba kundi ang malaman ang iba’t ibang klase ng pag-ibig. Sabi nga “wisdom comes in knowing”:

1. Ang una sa listahan ng mga klase ng pag-ibig ay ang Erotic Love. Maaaring alam mo na kung ano ang ibig sabihin nito, ito ‘yung kapag may nanliligaw sa iyo ay gusto ka dahil maganda ang katawan mo. Nagbababala ito na kapag pumangit ang babae ay maghahanap ng iba ang lalaki.

2. Philia o Friendly Love, ito ang pagmamahalan ng makaibigan na kapag nagkatuluyan o sila ang naging mag-asawa, sinasabing for life na silang dalawa. Gayunman, ito rin ay nagbababala na ang taong pinaghaharian ng Philia Love ay nagkakagusto sa kanyang kaibigan at dahil ang tao ay likas na maraming kaibigan, darami rin ang kanyang kursunada at kahit na siya ay may asawa na, hindi niya maiiwasang ma-in love sa iba pa.

3. Ludus Love, ito ang mapaglarong pagmamahal, kaya mag-ingat ka dahil kapag ang manliligaw mo ay marami ng nakarelasyon na hindi naman niya sineryoso, busted-in mo siya kaagad.

Kaya nga mahalaga na ang nililigawan ay nagsasaliksik muna sa buhay ng nanliligaw sa kanya.

4. Manic Love, ito ang mga “maniac”, kaya mag-ingat ka. Sila ang marami ng nakatalik dahil hindi nila kayang labanan ang sobrang kahiligan nila sa sex.

5. Agape o Divine Love, baka magkamali ka, hindi ito ang love na nasa mga naiskandalong alagad ng Simbahan.

Sa biglang tingin, sila ay nabubuhay sa kabanalan, pero ang Agape ay simply define na pagmamahalan na walang hinihintay na kapalit, parang pagmamahal ni God sa tao dahil ang pagmamahal Niya ay nakauunawa sa kahinaan ng mga tao.

Dapat mo ring malaman na ang kombinasyon ng Erotic at Philia Love ang pinakamaganda sa lahat. Ito ang dapat manaig sa iyong buhay-pag-ibig.

God bless and good luck!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page