701 lugar, pasok sa election hotspot — PNP

NASA 701 na ang bilang ng mga tinaguriang election hotspot sa bansa, 382 ang bilang ng areas of immediate concern at 94 ang election areas of grave concern (AOGC) at ang nalalabing bilang na classified under areas of concern.
Naniniwala si PNP Chief Director General Oscar Albayalde na kailangan ng realignment at redeployment ng puwersa ng PNP sa buong bansa para mabantayan ang parating na halalan sa Mayo 13.
Mananatili naman umanong nakapako ang malaking puwersa ng pulisya sa Lanao del Norte at ilang lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa mga concern tungkol sa seguridad at kaayusan.
Giit pa ni Gen. Albayalde na hindi naman umano kakapusin ang PNP sa security preparations at iba pang mga responsibilidad nito dahil may augmentation force naman na magmumula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).





Comments